Dapat pumili ng bansa para makita ang content sa article na ito.
Kung gusto mong i-share ang Netflix sa mga tao sa labas ng tirahan mo, puwede kang mag-add ng extra member sa Netflix account mo sa mas mababang presyo.
Nagbabayad ang may-ari ng account para sa slot ng extra member
Mina-manage ng may-ari ng account ang pag-add at pag-alis sa mga extra member..
May sariling account, password, at profile ang mga extra member. Hindi nila naaapektuhan ang experiene ng may-ari ng account.
Ang mga extra member ay kailangang nasa bansa kung saan nag-sign up ang may-ari ng account.
Mga benepisyo ng extra member benefit
Mae-enjoy ng mga extra member ang marami sa mga benepisyong natatanggap din ng may-ari ng account:
Unlimited at walang ad na pelikula, TV show, at mobile games
Kaparehong video at audio quality ng may-ari ng account
Kalayaang manood ng Netflix sa labas ng bahay
Ang mga pangunahing pagkakaiba para sa mga extra member ay puwede silang:
Tumutugma ang buwanang limit sa plan ng may-ari ng account
May 1 profile lang (hindi Pambata)
Pag-manage ng extra member account
Kung kailangan mo ng tulong sa pag-add o pag-manage ng extra member account, sundin ang steps sa ibaba batay sa kung sino ang gumagamit ng account.
Pag-troubleshoot
Kung hindi ka makapag-add ng extra member sa account mo, narito ang ilang dahilan kung bakit.
Wala kang Standard o Premium plan, o hindi available sa bansa mo ang feature na extra member.
Ang email ng taong ini-invite mo ay nauugnay sa ibang Netflix account.
Nakatira ang taong ini-invite mo sa labas ng bansa kung saan ka nag-sign up para sa Netflix.
May Netflix ka sa third-party o partner package. Kung papalitan mo ang paraan mo ng pagbabayad para makapag-add ng mga extra member, puwede mo silang i-add sa susunod mong billing period.
Nag-cancel ka ng membership mo o may naka-pending kang pagpapalit ng plan. Totoo iyan kahit na hindi pa tapos ang billing period mo.
Naka-pending ang huli mong pagbabayad. Kapag tapos na ang pagbabayad mo, puwede ka nang mag-add ng extra member.
Naka-hold ang account mo. Dapat munang ihinto ang pag-hold bago ka makakapag-add ng extra member.
Nag-invite ka o nag-alis ng mga extra member nang dalawang beses sa loob ng iisang billing period. Subukan ulit sa susunod mong billing period.
Dapat tingnan ng extra member ang Promotions o Spam folder niya.
Tingnan ang email address ng recipient sa field na Invitation na ipinadala sa , at siguruhing walang error o maling spelling sa email address.
Kopyahin ang invitation link at ipadala ito nang direkta sa taong invited.
I-cancel at ipadala ulit ang invitation gamit ang steps na ito:
Pindutin ang I-cancel ang invitation.
I-confirm na gusto mong i-cancel ang invitaton.
Pindutin ang Mag-set up ng invitation para i-invite ulit ang taong iyon (pag-isipang gumamit ng ibang email address).
Kung nakikita mo ang error message na "Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon," dapat kang maghintay nang 24 na oras bago subukan ulit.
Kung hindi tinanggap ng extra member ang kanyang invitation, padadalhan namin siya ng maraming reminder email sa loob ng 1 buwan. Makakatanggap din ang may-ari ng account ng email notification at puwede niyang ipadala ulit ang invitation gamit ang steps sa ilalim ng “Walang natanggap na invitation ang extra member” o i-cancel ang slot ng extra member.
Hindi ka makakagawa ng extra member account kung ikaw ay:
Nakatira sa labas ng bansa kung saan nag-sign up para sa Netflix ang may-ari ng account.
Kung extra member ka at hindi ka makanood ng Netflix, narito ang ilang posibleng dahilan:
Napakaraming tao ang gumagamit ng extra member account.
Puwede lang manood ang mga extra member sa 1 device sa bawat pagkakataon.
Para makanood sa mas maraming device nang sabay-sabay sa isang tirahan, kailangan mong mag-sign up sa sarili mong account at pumili ng plan.
Pinalitan ng may-ari ng account ang extra member at inalis ka.
Kung inalis ka bilang extra member, mawawalan ka kaagad ng access sa Netflix.
Puwede kang bumalik bilang extra member kung may mag-invite ulit sa iyo.
Puwede kang sumali ulit sa Netflix gamit ang dati mo nang login at sarili mong paraan ng pagbabayad. Kung sasali ka ulit sa loob ng 10 buwan, available pa rin ang profile, mga paborito, preference sa panonood, at detalye ng account mo.
Na-cancel ng may-ari ng account ang extra member slot.
Kung i-cancel niya ang extra member slot mo, mawawalan ka ng access sa Netflix sa pagtatapos ng billing period
Puwede kang bumalik bilang extra member kung may mag-invite ulit sa iyo.
Puwede kang sumali ulit sa Netflix gamit ang dati mo nang login at sarili mong paraan ng pagbabayad. Kung sasali ka ulit sa loob ng 10 buwan, available pa rin ang profile, mga paborito, preference sa panonood, at detalye ng account mo.
On hold ang account.
Kung on hold ang account, walang kahit sino sa account ang makakanood ng Netflix.
Makipag-ugnayan sa taong nag-add sa iyo bilang extra member dahil kailangan niyang alisin ang pagkaka-hold.
Na-link ng may-ari ng account ang account niya sa package na may Netflix.
Kung oo, na-cancel kaagad ang mga extra member slot niya matapos i-link ang account niya.
Puwede kang bumalik bilang extra member kung may mag-invite ulit sa iyo.
Puwede kang sumali ulit sa Netflix gamit ang dati mo nang login at sarili mong paraan ng pagbabayad. Kung sasali ka ulit sa loob ng 10 buwan, available pa rin ang profile, mga paborito, preference sa panonood, at detalye ng account mo.
Kung nakatira ka sa bansa bukod sa kung saan nag-sign up sa Netflix ang may-ari ng account, posibleng makita mo ang error na 'Hindi magagamit ang account mo sa lokasyong ito'.
Kahit na puwedeng manood ng Netflix habang nasa biyahe ang mga extra member, dapat ay pangunahing ginagamit ang mga extra member account sa bansa kung saan sinimulan ng may-ari ng account ang membership niya.
Posibleng makita ng mga may-ari ng account ang error message na "Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon" pagkatapos nilang malampasan ang dami ng pagsubok para mag-invite ng extra member. Kakailanganin mong maghintay ng 24 na oras bago subukan ulit.